Ang fatty liver ay isang kondisyon kung saan nababalot ng taba ang atay. Kung may fatty liver ka, kadalasan ay mataas din ang iyong kolesterol sa dugo, blood sugar at uric acid. Malamang ay sobra ka din sa timbang at malapad ang tiyan.
Malalaman na may fatty liver ang pasyente sa pamamagitan ng Ultrasound ng atay o Ultrasound of the Whole Abdomen. Minsan ay lumalala ang fatty liver at umaabot sa pamamaga ng atay at liver cirrhosis.
Para maagapan ang fatty liver, sundin ang mga payong ito:
- Itigil ang pag-inom ng alak. Kahit isang patak ng wine, beer or hard drinks ay huwag nang subukan pa. Ihinto na rin ang paninigarilyo.
- Magpapayat kung sobra ka sa timbang. Kapag nagbawas ka ng timbang, puwedeng mabawasan din ang taba sa iyong atay.
- Umiwas sa pagkain ng matataba (oily) at matatamis na pagkain. Limitahan ang pagkain ng cake, mantikilya, ice cream at karneng baboy at baka. Umiwas o bawasan na rin ang pag-inom ng matatamis na inumin tulad ng soft drinks at iced tea.
- Kumain ng masustansyang pagkain tulad ng maberdeng gulay at isda. Puwedeng kumain ng prutas pero huwag din sosobrahan ito dahil ito’y matamis din.
- Gumalaw-galaw at mag-ehersisyo. Kapag nabawasan ang taba sa iyong katawan, mababawasan din ang taba sa atay.
- Kung ikaw ay may diabetes, gamutin ito. Kumonsulta sa inyong doktor.
- Kung mataas ang iyong kolesterol sa dugo, ibaba ito sa pamamagitan ng diyeta at gamot.
- Kumain ng yogurt. Ayon sa isang pagsusuri, may tulong ang good bacteria sa yogurt sa paggamot sa fatty liver. Hindi pa ito tiyak pero pwede ninyong subukan.
- Huwag basta-bastang uminom ng kahit anong tableta, supplements o vitamins.
Huwag maniwala sa mga sabi-sabi. Itanong muna sa inyong doktor kung makasasama ba ito sa iyong atay.
Sadyang dyeta, exercise at paggamot sa diabetes at mataas na kolesterol ang lunas sa fatty liver. Alagaan natin ang ating atay.
Drink Buah Merah Mix Pure Organic and All Natural Juice everyday to maintain a healthy Liver!