Mga Karagdagang Kaalaman Tungkol sa Breast Cancer

Walang mawawala kung maaga pa lang alam mo na kaysa naman sa huli mo pa malaman kung malala na.

Breast Cancer

Ang breast cancer o kanser sa suso ang nangunguna ngayong kanser sa babae sa Pilipinas. Naungusan na nito ang lung cancer. Tinatayang 3 sa bawat 100 pinay ang maaaring magkaroon ng breast cancer at 1 sa bawat 100 Pinay naman ang pwedeng mamatay dahil dito.

Ang Pilipinas ang may pinakamataas na kaso ng breast cancer sa Asya. Ang malungkot, napakababa ng survival rate sa breast cancer dito sa bansa. Kwarenta porsyento o 40% lamang kumpara sa 80 to 98% sa mauunlad na bansa.

Ano ang nangyayari kapag may kanser?

Ang ilang pagbabago sa ating DNA ay nagiging sanhi upang ang ating normal na selyula sa suso ay maging cancerous. Ang DNA ay ang kemikal sa bawat selyula na bumubuo sa ating genes – ang nagbibigay ng direksyon kung paano kikilos ang selyula sa katawan.

Breast Cancer CellsMayroong genes na kumokontrol kung kailan lalaki, maghihiwalay at mamamatay ang ating selyula. Ang ibang genes na napapabilis ang cell division ay tinatawag na oncogenes. Ang iba namang genes na nakakapagpabagal ng cell division o sanhi ng pagkamatay ng selyula ay tinatawag na tumor suppressor genes.

Ang kanser ay maaaring dahilan ng pagbabago sa ating DNA. May kakayahan itong buksan o isara ang oncogenes at tumor suppressor genes.

Halos 5 hanggang 10% lamang ng kanser ang sanhi ng abnormalidad na minana mula sa magulang. Nobenta porsyento o 90% naman ng kanser sa suso ay dahil sa genetic abnormalities na nangyayari resulta ng pagtanda at ang tinatawag na “wear and tear” ng buhay sa pangkalahatan.

Dalawang klase ng Tumor

  1. Malignant – ang bukol o tumor na cancerous
  2. Benign – hindi masama, hindi kumakalat at hindi sumisira sa katawan

Sino ang may panganib magkaroon ng kanser sa suso?

  • Babae, lalo na ang edad 40 pataas
  • May lahi ng breast cancer sa pamilya
  • Maagang nagkaroon ng regla
  • Hindi pa nagdadalantao
  • Gumagamit ng Hormone Replacement Therapy (HRT) at oral contraceptives
  • Nakaranas ng radiation sa dibdib at mukha dahil sa gamutan ng ibang sakit
  • Sobrang mataba na may 25 Body Mass Index (BMI) pataas
  • Umiinom ng alak at naninigariyo
  • Kulang sa ehersisyo
  • Kulang sa Vitamin D
  • Mga nagtatrabaho sa gabi dahil sa exposure sa ilaw
  • Exposed sa iba’t ibang kemikal mula sa cosmetics, pagkain, plastic, tubig, atbp.

Mga Palatandaan

  • Bukol na kalimitan ay matigas at di pantay ang hugis
  • Pagbabago sa laki at hugis ng suso
  • Hindi pangkaraniwang discharge sa utong
  • Nagmumukhang balat ng dalandan ang paligid
  • Paglaki ng kulani sa leeg o kilikili

Ano ang dapat gawin kung may bukol sa suso?

  • Kung ang bukol ay isang suso lang, obserbahan rin ang kabila.
  • Kung di mawala pagkatapos ng regla, komunsulta na sa doctor.
  • Iwasang maunahan kayo ng takot. Ang maagang pagpapasuri ay isa sa mga sikreto ng tagumpay na gamutan.

Pagsusuri ng Suso

Step 1. Humarap sa salamin at tingnang mabuti ang inyong suso. Idiretso ang mga balikat habang nasa balakang ang mga kamay. Tingnan kung may pagbabago sa sukat, hugis at kulay.

Step 2. Itaas ang mga braso at tingnan muli kung may kakaibang pagbabago.

Step 3. Suriin kung may lumalabas na likido sa utong. Maaari itong tubig, parang gatas, madilaw o may dugo.

Step 4. Humiga at damhin ang inyong kaliwang suso gamit ang kanang kamay at gamitin naman ang kaliwang kamay sa kanang suso.

Step 5. Tumayo o umupo at damhin ulit ang inyong dibdib. Pinakamainan gawin ito sa banyo. Maaaring basain at sabuhin para mas madali ang pagkapa.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsusuri ng Suso

  • Ugaliing ang pagsusuri isang beses isang buwan ilang araw pagkatapos ng regla.
  • Kung hindi na nireregla, pumili ng araw na madaling tandaan, halimbawa una o huling araw ng buwan
  • Huwag mataranta kung may nakapang bukol. Karamihan ng babae ay madalas magkaroon nito.
  • Suriing mabuti ang paligid ng suso – baba’t taas pati na ang parteng malapit sa kili-kili.
  • Gumawa ng journal at ilista lahat ng obserbasyon tuwing magsusuri.
  • Pinakaimportante, maging pamilyar sa inyong suso para makita agad ang mga pagbabago

Gamutan

“Ang treatment of breast cancer, initially, is surgical. Now, kung indicated ang chemotherapy, susunod ‘yan, then kung kailangan ang radiation treatment or radio therapy. Kapag nakita ang kanser sa early age, curable pa yan. Breast cancer is like a house on fire. Kapag maliit, pwede pa. Kapag buong bahay na, walang magagawa,” ayon kay Dr. Erwin Alcazaren, Surgical Oncologist sa The Medical City.

Mga Kadalasang Tanong

Nagka-cancer ba ang mga lalaki?

Dr. Erwin Alcazaren: Ang lalaki kasi because of the hormonal responses in the development of the breast, di nagkakaroon ng globules at saka yung kanilang ducts, lumiliit. Although, kung meron syang genetic component na heriditary, pwede syang magka-breast cancer. Usually yan ang namamana.

Naka-cancer ba ang contraceptive pills daw na ginagamit ng mga babae at homosexuals?

Dr. Erwin Alcazaren: No, there’s no evidence.

Kapag ginalaw ang cancer, lalo raw nakamamatay?

Dr. Erwin Alcazaren: Hindi totoo yan.

Ang cyst ba ay cancerous?

Dr. Erwin Alcazaren: Ang simple cyst hindi nagiging cancer pero maaari itong tubuan ng cancer

Doc, paano kapag nagpa-opera, nawawala sa porma ang suso?

Dr. Erwin Alcazaren: May new techniques na ngayon. Tulad ng Breast conservation surgery. Hindi na kailangang matanggal ang breast ng isang babae especially kung ma-detect nang maaga. Let’s say Stage 1 or Stage 2. Ang ginagawa, tatanggalin ang kulani para malaman kung merong kalat sa kulani. Even ang pag-sample ng kulani, meron ngayong tinatawag na Sentinel lymph node biopsy — ito ang unang kulani kung saan pumupunta ang cancer, sa parteng kili-kili ito. Kapag na-biopsy yun at lumabas na negative for cancer, di na kailangang tanggalin pa ang ibang kulaning nasa kili-kili.

Prevention is better than cure!

Iwasan magkaroon ng cancer at iba pang sakit. Palakasin ang immune system at uminom ng buah merah mix every day.

Buah Merah Mix is a Powerful Antioxidant that Promotes Natural Healing

Buah Merah Mix helps those who have cancer, tumor, cyst, infections, liver problem, diabetes, gall stone, kidney stone, goiter, UTI, hepatitis, arthritis, hypertension, stroke, prostate irritations, osteoporosis, bronchitis, asthma, and all sorts of generative type of diseases.

P.S Kung may NANAY ka, kung may kapatid ka na babae, kung may kaibigan ka na babae, kung may tita ka, kung may kaibigan ka babae man o lalaki, LIKE AND SHARE mo ito para nakatulong ka na mabawasan ang mga babae na magkaroon ng breast CANCER.